Search

Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Ang Talinghaga ng May-Ari ng Ubasan

(The Parable of the Owner of the Vineyard)
Scripture Readings: Isaiah 5:1-7; Matthew 20:1-16
By Rev. Lance Filio • November 9, 2014

"Parable of the Laborers in the Vineyard" by Rembrandt, 1637
“Parable of the Laborers in the Vineyard” by Rembrandt, 1637

1. Ang Pagtawag sa mga Manggagawa
“Sapagka’t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang- umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan. At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa’t araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan. At siya’y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa; At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan. Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa. At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa? At sinabi nila sa kaniya, Sapagka’t sinoma’y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan” (Mateo 20:1-7).

a. Pansinin kung ano ang pangakong ibabayad sa mga unang manggagawa? Isang denario
b. Pansinin kung ano naman ang pangakong ibabayad sa mga sumunod na manggawa? Ayon sa
katuwiran

2. Ang Pagbabayad sa mga Manggagawa
“At nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una. At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa’t tao ng isang denario. At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila’y magsisitanggap sila ng higit; at sila’y nagsitanggap din bawa’t tao ng isang denario” (Mateo 20:8-10).

a. Pansinin kung ano ang naging hanay ng pagbabayad sa mga manggagawa? Huli muna patungo sa una
b. Pansinin kung ano-ano ang ibinayad sa mga manggagawa? Pare-parehong isang denario
c. Pansinin kung sino ang nagpasyang gawin ito? Ang may-ari ng ubasan

3. Ang Karapatan ng May-ari ng Ubasan
“At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan. Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila’y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog. Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario? Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo. Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag- aari? o masama ang mata mo, sapagka’t ako’y mabuti? Kaya’t ang mga una’y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna” (Mateo 20:11-16).

f. Pansinin kung bakit nag-reklamo ang mga unang manggagawa? Sapagkat inakala nila na mas makatatanggap sila ng mas malaking halaga sapagkat isang denario ang tinanggap nung mga mas nahuli kaysa sa kanila.
g. Pansinin kung ano ang naging katuwiran ng may-ari ng ubasan? Gagawin niya ang kanyang ibig gawin.

PANGWAKAS

Si Kristo ang Ating Katuwiran
“Samantalang umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa’y sinabi niya sa kanila, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya’y patayin, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya’y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya’y ibabangon” (Mateo 20:17-19).

Pagkatapos bigyang-diin ni Hesus ang kasarinlan ng Dios at kapangyarihan na gawin ang kanyang nais, ano itong naging kapahayagan niya pagtungkol sa plano ng Dios para sa kaligtasan ng mga taong umaasa sa katuwiran ng pananampalataya?

Narito ang sukdulang ng pagpapakilala ng Dios ng kanyang planong kaligtasan para dun sa mga umaasa sa katuwiran ng panananampalataya. Tutuparin ng Anak ng Dios ang katuwiran ayon sa pamantayan ng kautusan at pagbabayaran ang kanyang sariling kamatayan, ng kanyang katawan at dugo na siyang ninaalala natin sa tuwing magbabanal ng hapunan, ang bagong tipan sa kanyang dugo ang katuparan ng kasunduan ng kautusan na siyang nagbigay-daan sa katuparan ng kasunduan sa biyaya. Mas nakahihigit ito kaysa sa paggawa sapagkat sa pagkakataong ito, Dios ang kumilos, Dios ang nagtakda ayon sa kanyang pagpapasiya. Ang Dios ang gumawa ng imposible sa tao sapagkat sa kanya, walang imposible.

Si Kristo ang katuwiran ng sinomang sasampalataya sa kanya sapagkat: “Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka’t nasusulat, Sinusumpa ang bawa’t binibitay sa punong kahoy” (Galatia 3:13) Ginawa niya ito upang: “dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu. (Galatia 3:14) Mas higit ang ginawa ni Kristo kumpara sa pagsunod ng sinomang tao sapagkat: “kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin” (Roma 5:21).

Ito ang nagbibigay sa atin ng lakas ng loob, ng kagalakan sa gitna ng anumang pagsubok at paghihirap, ng pag-asa sa gitna ng magulong sanlibutang ating tinitirhan. Tiyak ang ating kinabukasan kay Kristo sapagkat siya ng nag-alalay ng kanyang buhay bagama’t nilibing ng tatlong araw ay nabuhay sa mga patay! Siya ang unang nabuhay mula sa mga patay na nakaupo sa kanan ng Dios Ama ay naghahari at maghahari sa lahat at lilipulin ang lahat ng kanyang kaaway maging kamatayan! “Sapagka’t kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa” (1 Cor 15:27a). “..kung magkagayo’y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat!” (1 Cor 15:28b)

Si Kristo ang ating katuwiran (1 Cor 1:30). At sinumang mananampatalaya sa kanya ay makasusumpong ng katuwiran hindi sa kanyang sarili bagkus isang katuwiran: “…pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya!” (Filipos 3:9b) Imbis na ang ating pagsunod ang ating maging pamantayan ng ating katuwiran, si Kristo Hesus: “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios” (2 Cor 5:21) Purihin ang Dios sa kanyang mga kagila-gilalas na paggawa! (Awit 107:31) Dakilain natin ang lahat ng kanyang walang hanggang pangalan! (Awit 29:2) Ang Dios ang ating kaligtasan! (Awit 3:8)

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment

Verified by MonsterInsights