Search
Church Update

Kaayusan sa Pagsamba—July 28, 2013

Come, join us as we worship a holy and gracious God with reverence and joy!

Liturgical Element of the Week: This week, we focus on one of the prayers in worship—the Confession of Sin. What is it, and why?

§

* Sa markang ito, tatayo ang kongregasyon.Download PDF liturgy

Ang Dios ay Nagsasalita
Ang Tugon ng Kongregasyon

two_adams_modern_reformationPAGPASOK SA PANANAMBAHAN

* Tawag sa Pagsamba: Psalm 110:1-7
* Pagtawag sa Panginoon: Habakkuk 2:20
* Pagbati ng Panginoon: Romans 1:7
* Pambukas na Panalangin
* Awit ng Pagpupuri: The LORD Unto His Christ Has Said #221:1-3

PAGPAPAHAYAG NG PAGSISISI

Pagbasa ng Kautusan:  Romans 13:8-14
Pagpapahayag ng Pagsisisi:

Aming Ama, kahit na ikaw ay isang banal na Dios na hindi tumitingin sa kasalanan, tingnan mo si Kristo na aming Tagapagligtas at patawarin mo kami alang-alang sa kanya. Ipinangako mo na Kung ipinahahayag namin ang aming mga kasalanan, ikaw ay tapat at banal at patatawarin mo kami sa aming mga kasalanan at lilinisin mo kami sa lahat ng kalikuan. Sapagka’t kung kami ay magkasala, may Tagapamagitan kami sa Ama, si Jesucristo ang matuwid, at siya ang namamayapa sa poot ng Dios laban sa aming mga kasalanan. Ibigay mo sa amin ang iyong pagpapatawad sa pamamagitan ng iyong awa, mahal na Ama, sapagka’t binihisan mo kami ng pagkamatuwid ni Kristo. Isinasamo rin namin na palalakasin mo ang biyaya ng iyong Banal na Espiritu sa amin, upang matutuhan namin ang iyong karunungan at lumakad kami sa mga banal mong daan. Para sa iyong kaluwalhatian at sa kabutihan ng aming mga kapwa. Amen.

Katiyakan ng Kapatawaran: Romans 5:6-11

PAGTUGON NG MAY PAGPAPASALAMAT

Awit ng Pagpapasalamat: The LORD I Will at All Times Bless #58:1, 3
Kredo: Katesismong Heidelberg T&S 60

T60. Sa pamamagitan lamang ng tunay na pananamplataya kay Jesu-Cristo. Kahit na ako’y sinusumbatan ng aking budhi na ako’y lubhang nagkasala laban sa lahat ng kautusan ng Diyos, na hindi ko sinunod ang alinman sa mga ito, at ako’y nakakiling pa rin sa lahat ng kasamaan. Ngunit ang Diyos, kahit wala akong angking kabutihan, mula sa biyaya lamang ay inilagak sa akin ang ganap na kasiyahan, katuwiran at kabanalan ni Cristo. Ipinagkaloob Niya ang mga ito sa akin na parang hindi ako nagkasala ni minsan o nagkaroon man ng anumang kasalanan, at parang ako mismo ang gumanap ng lahat ng pagsunod na siyang ginawa ni Cristo para sa akin. Kung aking tatanggapin lamang ang kaloob na ito ng may pusong nananampalataya.

Ang Paghahandog
Panalangin ng Kongregasyon (wawakasan ng Panalangin ng Panginoon)

Ama namin na nasa langit ka: Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Amen.

ANG SALITA NG DIOS

* Pagbasa ng Teksto: Genesis 3:6-7; Romans 5:12-21 (teksto); Galatians 4:4-5
* Ang Ama’y Papurihan

Ang Ama’y papurihan, At ang Anak, At ang Espiritu. Buhat sa unang mula, Ngayo’t magpakailanman, Walang hanggan. Amen, Amen.

* Awit ng Paghahanda: Blest is He Who Loves God’s Precepts #2:1-3, 5

Sermon: ANG MGA GAWA NG DALAWANG ADAN

1. Kamatayan sa Pagsuway ni Adan
2. Buhay sa Pagsunod ni Cristo

PAGHAYO SA PAGLILINGKOD

* Awit ng Pagtatalaga: How Vast the Benefits Divine #386:1-3
* Doksolohiya: O Day of Rest and Gladness #321:3, 4
* Basbas: Numbers 6:24-26
* Amen!  Three-Fold Amen

 

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment