Today, we will again hear God’s Word preached into two parts. This week we will learn about the Covenant of Works from WSC Q#12 and then continue of study of Sin and the Fall of Man in relation to the Covenant of Grace. However, as an introduction, we will cover first the biblical covenants. What does it mean when we say Covenant of Works and Covenant of Grace. What are features of a covenant and why is it important is our study of sin and the Fall of Man.
The preaching will be in tagalog because it is material I have written years ago during a sermon series I wrote regarding this topic. So before we begin, let us pray:
Almighty and everlasting God, our heavenly Father, we acknowledge that we are sinners, conceived and born in sin, unable of ourselves to do any good. But we do repent of our sins, and seek Your grace to help us in our remaining weaknesses. Through the teaching of Your Word, which we confess with the church throughout the ages, satisfy our hunger and quench our thirst with Your refreshing truth, that we, with all our hearts, may love and serve You, with our Lord Jesus Christ and the Holy Spirit, the one and only true God, who lives and reigns forever. Amen.
Ano ang ibig sabihin ng Kasunduan sa Pagawa?
Ayon sa Westminster Shorter Catechism Question 12, ang Kasunduan sa Pagawa ay isang kasunduan sa pagitan ng Dios at ni Adan, kasama ang kanyang angkan. Ito ang pangako sa buhay na pang walang hanggan bilang gantipala ayon sa isang sakdal at pansariling pagsunod:
When God had created man, he entered into a covenant of life with him, upon condition of perfect obedience; forbidding him to eat of the tree of the knowledge of good and evil, upon the pain of death.
Mababasa din natin ang magkatulad na pahayag sa Westminster Confession of Faith, Chapter 19: The Law of God ang ganito:
“God gave to Adam a law, as a covenant of works, by which he bound him and all his posterity to personal, entire, exact, and perpetual obedience, promised life upon the fulfilling, and threatened death upon the breach of it, and endued him with power and ability to keep it.”
Dahil ang kasunduang ito sa pagitan ng Dios at ni Adan ay nangyari sa kasaysayan sa panahon pagkatapos likhain ng Dios ang lahat ng mga bagay maging ang tao, madalas ding tawagin ang kasunduang ito na Kasunduan sa Paglikha o Covenant of Creation or Covenant of Life. Gayun pa man, minabuti ng WCoF na tawagin itong Kasunduan sa Pagawa upang bigyaang-diin na ang unang kasunduan na nangyari sa kasaysayan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa utos (Gal 3:10;12). Bilang utos na mula sa Dios, ito ay may gantimpala (buhay). Ngunit maging ang sumpa (kamatayan), dala naman ng hindi pagsunod ay mula din sa Dios at Siya rin ang may akda:
“…but of the tree of the knowledge of good and evil you shall not eat, for in the day that you eat of it you shall surely die. (Genesis 2:17)”
Ano ang ibig sabihin dito ng kamatayan? May tatlo itong aspeto: Una, kamatayan physical o paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan, espiritwal na kamatayan o nagpapatuloy namabuhay sa lupa ngunit malayo ang kalooban sa Dios (misery and sin), at panghuli, walang hanggang kamatayan or pagdurusa ng kaparusahan ng Dios sa impiyerno.
Sa kabaliktaran, ang pangako ng buhay ay nakilala din natin. Una, pagpapatuloy na buhay sa lupa (walang physical na kamatayan), ikalawa, pagpapatuloy sa buhay na kasama ang Dios pati ng kanyang pagpapala, at panghuli ang buhay na pangwalang hanggan kasama ang Dios sa bagong langit at bagong lupa.
Kaya nga bagama’t marami ang tumatanggi sa doktrinang ito sapagkat sinasabi na wala naman ang mga eksaktong salita o diretsong pagbanggit nito bilang isang tunay kasunduan sa nangyari sa kasaysayan, makatuwiran para atin bilang mga repormadong mananampalataya na panghawakan ito bilang katuruan na matatangpuan sa kabuoan ng Banal na Kasulatan.
Paano? Sa pamamagitan ng paghahambing ng Scripture sa Scripture. Saan? Pagitan ng Kasunduan kay Adan at Kasunduan sa Bayang Israel sa pamamagitan ni Moses.
Mula sa Genesis 2 at 3, bilang isang kwento o narrative, mahalaga na kilalanin natin ang kontexto nito, ang lugar nito sa kabuaon at mga orihinal nitong mambabasa. Ang kwento ng paglikha kay Adan at sa kasaysayan ng kanyang hindi pagsunod, ay maihahalintulad sa bayan Israel bilang bayang pinili ng Dios na pinalaya mula sa isang banyagang pamamahala at nakipagsundo sa Dios bilang kanilang tagapamahala at sa kautusan na kanilang pinangakong susundin. Ngunit dala kasalanan, tumalikod sila sa Dios at sumamba sa dios-diosan.
Kaya nga, sa kanilang pagaaral ng kasaysayan ng Israel sa kasaysayan ng kanilang ninunong si Adan mababatid natin ang mahalagang bahagi ng kasunduan. Ayon nga kay propeta Hosea:
But like Adam they (Israel) transgressed the covenant; there they dealt faithlessly with me (Hosea 6:7).
Ano-ano ang mga bahagi ng Kasunduan Ayon sa Kautusan o Covenant of Works? (1) Ang Dios na nakikipagkasundo (2) Pangako/Panata (3) Ang Tanda ng Kasunduan (4) Gantimpala/Parusa. Ito ang mga elemento ng kasunduan na nangyari sa pagitan ng Dios na manlilikha at si Adan na unang tao:
a. Ang Dios na nakikipagkasundo – batid natin na sa kabuoan ng kwentong ito (Genesis 2-3) ang personal na pangalan ng Dios ay nababanggit. Mayroong dalawangpung beses na nabanggit ang pangalan ng Dios bilang “Ang Panginoong Dios” sa hebreo ay Yahweh Elohim na siyang personal na pangalan ng Dios na binigay ng Dios kina Moses at sa bayang isang Israel sa aklat Exodo. Kaya nga, kinikilalala natin na ang Dios na siyang nakipagsundo kay Adan at Siya ring Dios na nakipagkasundo sa bayang Israel.
b. Pangako/Panata – marami ang pumupuna na walang tahasang binanggit na pangako kay Adan, hindi ito maituturing na kasunduan ngunit kung susurin nating mabuti, malinaw naman mababasa ang parusa mula sa Gen 2:17: “Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.”
Gayundin, ating mababasa mula sa paliwanag ni Pablo sa Roma 5: 12 na mula sa hindi pagsunod ng isa ay nadulot para sa lahat ng angkan na anihin ang sumpa ng kamatayan: “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala:”
At gayundin naman sa kabaliktaran, mababasa natin na ang pangako naman ng buhay ay ipinagkaloob ayon naman sa pagsunod na ginawa ni Kristo: “Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid. (Roma 5:18-19)”
Mula dito makaturiwan para sa atin na sabihin ang pangako ng buhay ay unang binigay kay Adan, tulad ni Kristo, batay sa kanyang sakdal at pansariling pagsunod. Bilang tagapamagitan, ang kanyang pagsunod o hindi pagsunod ang magiging batayan ng gantipala na ipagkakaloob sa kanya, tulad ni Kristo, ang kaloob ng buhay para sa kanya at sa kanyang angkan.
c. Ang Tanda ng Kasunduan – ang tanda ng kasunduan ay larawan ng gantimpala ng pangako ayon sa sakdal at pansariling pagsunod. Ito ang punong-kahoy ng buhay o Tree of Life na siyang pinagbawal ng Dios at hayaang kainin ng tao pagkatapos na siya ay mahulog sa kasalanan upang hindi maging pang walang hanggan ang kanilang makasalanang kalalgayan: “At sinabi ng Panginoong Dios, Narito’t ang tao’y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo’y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man (Gen 3:22):
Bilang mga tanda, ito ay sumasalarawan sa pangako ng Dios bilang gantimpala na dapat ay kanilang tatanggapin sakaling sila ay makasundo sa utos ng Dios. Kaya nga, ang punong-kahoy naman ay maituturing na isang tanda ng pagsubok upang piniliin para sa kanilang mga sarili na sunduin ang Dios at hindi sundin ang kanilang mga pansariling kagustuhan. At dahil sila ay hindi nagsipagsunod, ang punong-kahoy ng buhay ay nagiging karagdagan hatol para sa kanila sapagkat ito ay tanda para sa kanila ng parusa at hindi ng pagsunod.
Ayon kay John Calvin sa kanyang aklat na Instituto ng Kristiyanong Relihiyon, sa pagkumpara sa kasunduan kay Adan at Noe sang-ayon naman sa tanda ng kasunduan:
“One is when [God] gave Adam and Eve the tree of life as a guarantee of immortality, that they might assure themselves of it as long as they should eat of its fruit [Gen. 2:9; 3:22]. Another, when he set the rainbow for Noah and his descendants, as a token that he would not destroy the earth with a flood [Gen. 9:13-16]. These, Adam and Noah regarded as sacraments. Not that the tree provided them with an immortality which it could not give to itself; nor that the rainbow (which is but a reflection of the sun’s rays opposite) could be effective in holding back the waters; but because they had a mark engraved upon them by God’s Word, so that they were proofs and seals of his covenants (Institutes 4.14.18).“
d. Gantimpala/Parusa– Katulad ng pamantayan ng kautusan, mayroong gantimpala ang sinomang sumunod at may parusa sa sinomang hindi sumunod. Malinaw para sa bayang Israel ng tanggapin nila ang kasunduan ayon sa kautusan na ito ay kanilang marapat na sundin kung hindi sila ay mapapahamak. Ang hindi pasunod sa kasunduan ay malinaw na itinuro ni Pablo sa kanyang mga aklat upang bigyaan-diin ang kahalagan ng pagsunod upang tanuhin ang buhay at kilalanin natin ang ating pagkukulang sa hindi natin pagsunod dito.
Sapagka’t ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka’t nasusulat, Sinusumpa ang bawa’t hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila. (Gal 3:10)
Sapagka’t isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito. (Rom 10:5)
Muli ang pagsuway ng bayang Israel sa kautusan ng Dios ay kahalintulad ng hindi pagsunod ni Adan sa unang kasunduan sa pagawa at ito ay mula sa lumang tipan kung saan binanggit ni propeta Hosea 6:7. Kaya nga, malinaw mula sa kabuoan ng Banal na Kasulatan, na ang gantimpala ay buhay at ang parusa ay ang sumpa ng kamatayan.
That is the Covenant of Work with Adam but how does it compare with the Christ as mediator of the Covenant of Grace? We will end our preaching today briefly touching on this topic. Simply put, Christ as the second Adam, unlike the first, obeyed and earned righteousness and heaven for God’s people.
Ano ang ng relasyon ni Adan kay Kristo bilang tagapamagitan ng kasunduan?
Ayon sa pagpapaliwanag kanina patungkol sa pahahalintulad ni Adan kay Kristo, ang pagsuway ng isa ay nagdulot para sa lahat ng angkan ang sumpa ng kamatayan ngunit ang pagsundo ng isa na katulad ng nauna ay nagdulot naman ng gantimpala para sinomang ililigtas. (Rom 5:18-19). Ito ang nais bigyang-diin na ugnayan mayroon ang bawa’t isa atin ayon sa ating tagapamagitan o “federal representative”.
Kaya nga mahalaga para atin na kilalanin ang paghahambig na katulad nito sapagkat nagpapakita ito sa atin ng ugnayan sa pagitan ng luma at bagong tipan. At mula sa paghahambig kay Adan at Kristo, matututunan natin ang mga sumusunod:
a. Kondisyon ng katuwiran – Ang kahalagahan ng pagsunod bilang batayan ng gantimpala ng buhay na pang walang hanggan.
“Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.” (Roma 5:19)
b. Konsepto ng pagahalili – Ang kahalagan ng tagapamagitan upang manahin ang kasalanan o ang maging ang katuwiran.
“Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.” (Roma 5:21)
c. Kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya – Ang kahalagahan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya bilang kaloob na katuwiran mula sa Dios:
“Sapagka’t kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.” (Roma 5:17)
Mahalaga na kilalanin natin ang kasunduan sa pagawa sapagkat ito ang pamantayan ng Dios para sa katuwiran upang makapasok tayo sa kalangitan sa buhay na pang walang hanggan. Ang sakdal at pansariling pagsunod ang inaasahan sa bawa’t isa atin ngunit nang dahil sa pagsuway ng ating mga ninuno na Siya ay subukin ng Dios sa hardin ng Eden, tayo kasama nila bilang mga angkan ay nahulog din sa kasalanan. Ito ang magtuturo sa atin upang tumingin sa Dios para sa ating katuwiran. Ito ang magbibigay sa atin ng pagasa upang kilalanin ang sakdal at pansariling pagsunod na ginawa ng Anak Dios bilang katuparan ng pangako ng kasunduan ng pagtubos sa pagitan ng Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu. Ang kasunduan sa pagawa ang ating tulay sa kasunduan sa biyaya, ang pagaaring matuwid ng mga mananampalataya.
Conclusion
ZCRC(Imus), where Adam failed, Christ fulfills and delivered. The Second Adam, Christ who is our mediator, earned heaven for us. Let us look unto him alone for deliverance from our sin and misery. Amen.