Search

Christian Resources

Biblical Resources for Church, Faith, and Life

Ang Kapahayagang Cambridge (The Cambridge Declaration) – Part 2

What is “The Cambridge Declaration?” In his May 11, 1996 article in World Magazine, “God and Man at Cambridge,” Joe Maxwell writes about the founding of The Alliance of Confessing Evangelicals. In this opening Declaration, the ACE indicts American evangelicalism’s lack of theological mooring. Here are the first few paragraphs of his article:

Worries that much of American evangelicalism may be headed the same direction as old Cambridge have led in recent months to the formation of the Alliance of Confessing Evangelicals (ACE), a new organization with a distinctly Reformational if not explicitly Reformed theological flavor.

ACE leaders are frank to express their fear that American evangelicalism, like American liberalism before it, is headed toward a fate like that of the congregationalist church in Cambridge: a mere facade with no real guts.

Such concerns led 110 top Reformation-inclined leaders to gather a stone’s throw from Harvard Square three weeks ago to see whether they themselves could agree on a diagnosis of the problems. The result-from a diverse group of Presbyterians, Christian Reformed, Missouri Synod Lutherans, Southern Baptists, independents, and others-was a three-page “Cambridge Declaration” that warns, in part: “Therapeutic technique, marketing strategies, and the beat of the entertainment world often have far more to say about what the church wants, how it functions, and what it offers, than does the Word of God.”

Evangelicalism today focuses more on self than on God, the declaration says, and it urges a return to “the historic Christian faith” expressed in the historic principles spelled out by Martin Luther and John Calvin: Scripture Alone, Christ Alone, Grace Alone, Faith Alone, and God’s Glory Alone.

“Today the light of the Reformation has been significantly dimmed,” the declaration states, adding: “The word evangelical has become so inclusive as to have lost its meaning. We face the peril of losing the unity it has taken centuries to achieve.”

§

Alyansa ng mga Nagpapahayag na Ebangheliko (Alliance of Confessing Evangelicals)
Ika-20 ng Abril 1996
Cambridge, Massachusetts

[download id=”854″]

§

Panimula:

Cambridge Declaration coverAng mga Ebanghelikong iglesia ngayon ay patuloy na sinasakop ng espiritu ng ating panahon kaysa Espiritu ni Kristo. Bilang mga Ebangheliko, tinatawag naming lahat na tumalikod sa ganitong uri ng kasalanan at manumbalik patungo sa makasaysayang Kristiyanong pananampalataya.

Ayon sa takbo ng kasaysayan, ang ibig sabihin ng mga salita ay nagbabago. Maging sa ating panahon, ang salitang “Ebangheliko” ay gaun din ang nagyari. Nuong nakaraan, ang salitang ito ang nagsilbing bigkis ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyano mula isa iba’t ibang tradisyong pang-iglesia. Ang Makasaysayang Ebanghelismo ay “confessional”. Niyayapos nito ang mga mahahalagang katotohanan ng Kristiyanismo na sinaad mula pa sa mga magigiting na konsilyong panglaganap ng iglesia. Gayundin, bahagi ang mga ebangheliko ng pamana ng “solas”nuong ika-16 na siglo ng Protestanteng Repormasyon.

Ngayon ang liwanag ng Repormasyon ay di birong nauupos. Bilang kapalit, ang salitang “ebangheliko” ay naging halo-halo na sapagkat nawalan na ito ng ibig sabihin. Tayo ay humaharap sa panganib na mawala ang kaisahan na pinanday sa loob ng maraming siglo. Dahil sa panganib na ito at dahil sa pagmamahal natin kay Kristo, sa kanyang ebanghelyo at sa kanyang iglesia, pinagsusumikapan namin na manindigan muli para sa mga mahahalagang katotohanan ng Repormasyon ang ng Makasaysayang Ebanghelismo. Ang mga katotohanang ito na ay aming sinasangayunan hindi lamang dahil sa kahalagahan nito sa aming tradisyon bagkus dahil sa nanampalataya kami na sentro ito ng Banal na Kasulatan.

Mga Katanungang Pang-usapin:

  1. Ano ang pagkakaiba ng “espiritu ng panahon sa Espiritu ni Kristo”? (Rom 8:9; 2 Cor 3:17-18; 4:3-5)
  2. Ano ang mga naging pagbabago sa salitang “Ebangheliko” mula nuon hanggang ngayon?
  3. Bakit mahalaga ang manumbalik tayo sa orihinal na kahulugan ng pagiging Ebangheliko?

Sola Scriptura: Pagbagsak ng Kapamahalaan

Ang Banal na Kasulatan lamang ang di nakakamaling pamantayan ng buhay-iglesia gayunpaman ang mga ebanghelikong iglesia ng ating panahon ay humihiwalay mula sa kapamahalaan ng Banal na Kasulatan. Sa kasanayan, ang iglesia ay ginagabayan, madalas sa minsan, ng kultura. Terapiyang pamamaraan, stratehiyang pang-marketing at ang mga uso sa mundo ng libangan ang madalas na may higit na lugar sa kung ano ang gusto ng iglesia, kung paano kikilos ito at kung ano maari niyang ibigay kaysa sa kung ano ang mayroon ang Salita ng Dios. Iniwan ng mga pastor ang kanilang karapatang pamahalaan ang pananambahan kasama dito ang mga doktrina mula sa awitin. Sapagkat tinalikuran na ang kasanayan mula sa kapamahalaan pangbibliya, ang mga katotohanan ay lumalabong tuluyan sa Kristiyanong kaisipan, at ang mga doktrina ay nawawalan na ng tapang, ang iglesia ay patuloy na nauubusan sa kanyang sarili ng integridad, moral na kapamahalaan at direksyon.

Imbis na isangayon ang Kristiyanong pananamapalataya sa mga pangangailangan ng isang konsumer, kailangan natin ipahayag ang Kautusan bilang tanging pamantayan ng tunay na katuwiran at ang ebanghelyo bilang tanging kapahayagan ng nakapagliligtas na katotohanan. Pangbibliyang katotohanan ang natatanging kailangan para sa pangunawa, pangangalaga at disiplina ng iglesia.

Dapat nating hayaan ang Banal na Kasulatan na dalhin tayo labas sa ating mga gustong pangangailangan patungo sa totoo nating pangangailangan at palayain na tignan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng mga mapanuksong imahen, mga uso, pangako at prioridad ng pangmasang kultura. Tangi lamang sa liwanag ng Katotohan ng Dios maiintindihan natin ng tama at makikita ang probisyon ng Dios para sa ating mga pangangailangan. Ang Bibliya, samakatawid, ay dapat ituro at ipangaral sa loob ng iglesia. Ang mga sermon ay dapat paglaladhalad ng Bibliya at ng kanyang katuruan, hindi mga kasabihan ng opinion ng tagapagpahayag o mga idelohiya ng ating panahon. Dapat tayong manindigan duon lamang sa kung ano ang ibinigay ng Dios sa tin.

Ang gawa ng Espiritu Santo sa ating mga personal na karanasan ay hindi maaring kalasin mula sa Banal na Kasulatan. Ang Espiritu ay hindi kumikilos sa paraan na hiwalay sa Banal na Kasulatan. Labas sa Banal na Kasulatan, hindi natin magpaalaman ang biyaya ng Dios kay Kristo. Ang pangbibliyang Salita, higit pa sa espiritwal na karanasan, ang sumusubok sa katotohanan.

Unang Panukala: Sola Scriptura
Muli naming ipinagtitibay na ang di-nagkakamaling Banal na Kasulatanang natatanging pinanggagalingan ng kasulutan ng maka-Dios na pagpapakila na siya lamang ang maaring gumapos ng budhi.

Ang Bibliya lamang ang nagtuturo ng lahat ng kinakailangan para sa ating kaligtasan mula sa kasalanan at ang pamantayan kung saan ang lahat ng Kristyanong paguugali ay dapat sukatin.

Aming itinatanggi na anumang kredo, konsilyo or sinomang tao ang maaring gumapos ng budhing Kristiyano, na ang Banal na Espritu ay nangungusap hiwalay o labas sa anomang isinasaaad ng Bibliya, o ang mga personal at espirituwal na karanasan ay maarinng maging sisidlan ng pagpapakilala.

Mga Katanungang Pang-usapin:

  1. Bagama’t ang Banal na Kasulatan lamang ang batayan ng buhay at pananampalataya, ano ang madalas gamitin ng iglesia sa ngayon na pamatayan ng kailangan buhay iglesia?
  2. Bilang kapalit, ano ang nagiging bunga nito sa kabuoang pamamahala ng iglesia?
  3. Ano dapat ang sentro ng pamamahayag ng iglesia at bakit? (1 Cor 1:23; Rom 10:17)
  4. Ano ang ibig sabihin na ipinahahayag ang Salita ng Dios? Ano dapat ang mga nilalaman nito? (Lucas 24:27; Heb 1:1-2)
  5. Ano ang relasyon ng Salita ng Dios at ng Espiritu Santo?

Solus Christos: Pagbagsak ng Panananampalatayang Naka-Sentro kay Kristo

Habang ang ebanghelikong pananampalataya ay nagiging sekular, ang kanya ding mga hilig ay patuloy na nagiging kahalo ng kultura. Bunga nito ang kawalan ng pagpapahalaga sa tama o mali, mapagpahintulot na pagkamakasarili at paghalili ng pagkabuo kumpara sa kabanalan, pagbawi kaysa pagsisisi, intuwisyon kaysa katotohanan, pagkakataon kaysa kalooban ng Dios, kaagarang kaaliwan kaysa matiyagang pag-asa. Si Kristo at ang kanyang krus ay iaalis sa sentro ng ating pangitain.

Ikalawang Panukala: Solus Christos
Muli naming ipinagtitibay na ang ating kaligtasan ay ginanap lahat ng pamamagitang gawa ni Kristo ng kasaysayan lamang. Ang kanyang di-makasalanang buhay at ang kanyang kabayarang-kapalit na pagtubos lamang ay sapat na para sa ating pagiging ganap at pakikipagkasundo sa Dios Ama.

Aming itinatanggi ang ebanghelyo kung saan ang kabayarang-kapalit ng paggawa ni Kristo ay hindi ipinahahayag o ang pananampalataya kay Kristo at ang kanyang gawa ay hindi nababanggit.

Mga Katanungang Pang-usapin:

  1. Ano ang nagyayari sa ebanghelikong pananampalataya sa ating panahon (Gal 1:6-9)?
  2. Ano ang ipinapalit ng mga tao sa tunay na ebanghelyo ni Kristo (2 Tim 4:3-4)?
  3. Ano ba ang sentro ng ebanghelyo ni Kristo (Rom 3:21-16; 5:6-11; 2 Cor 5:18-10)?

Sola Gratia: Pagbagsak ng Ebanghelyo

Ang di-mapigilang pagtitiwala sa kakayanan ng tao ay bunga ng bumagsak na kalikasan ng tao. Ang maling pagtitiwalang ito ay naguumapaw ngayon sa mundo ng mga ebangheliko; mula sa ebanghelyo ng pagpapahalaga sa sarili tungo sa ebanghelyo ng kalusugan at kayamanan; mula sa mga taong naglalako ng ebanghelyo ng pagbabago bilang isang produkto ng ipinagbibili at itinuturing ang mga makasalanan bilang isang konsumer na gustong bumili tungo sa mga tao na itinuturing ang Pananampalatayang Kristiyano bilang totoong bagay sapagkat gumagana ng tama. Pinatatahimik nito ang doktrina ng pagtuturing ng banal kahit ano pa man ang opisyal ng katuruan ng mga iglesia.

Ang biyaya ng Dios ay hindi lamang kailangan kundi ang tanging mabisang dahilan ng ating kaligtasan. Aming ipinapahayag na ang tao ay ipinanganak ng patay sa espiritu at walang kakayanang tumulong sa nakapagpapabagong biyaya.

Ikatlong Panukala: Sola Gratia
Muli naming ipinagtitibay na para sa ating kaligtasan, tayo ay sinagip mula sa poot ng Dios sa pamamagitan lamang ng biyaya. Ito ang di pangkaniwang gawa ng Espiritu Santo na Siyang naglapit sa atin kay Kristo sa pamamagitan ng pagpapalaya sa atin mula sa pagkaalipin sa kasalanan at pagpapabuhay sa atin mula sa katamayang espiritwal tungo sa kabuhayang espiritwal.

Aming itinatanggi na ang kaligtasan ay maaaring akalaing gawa ng tao. Ang mga pamamaraang pang-tao o mga estratehiya sa kanilang mga sarili ay hindi maaaring makapagdulot ng pagbabago. Ang pananampalataya ang hindi maaaring magaling sa isang naturan na hindi nakapagpapabago.

Mga Katanungang Pang-usapin:

  1. Ano-anong pamamaraan ang ipinapalit ng mga iglesia sa doktrina ng pagtuturing na banal?
  2. Saan nanggagaling ang tunay pagpapabago para sa kaligtasan (Eph 2:1-10)?

Sola Fide: Pagbagsak ng Pangunahing Bahagi

Ang pagaaring-ganap ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ng dahil kay Kristo lamang. Ito ang bahagi kung saan ang iglesia ay makatatayo o babagsak. Sa ngayon, ang bahaging ito ay madalas binabale-wala, binabaluktot at minsan ay itinatanggi ng mga tagapanguna, iskolar at pastor na nagpapanggap na mga ebangheliko. Bagama’t ang nahulog na kalikasan ng tao ay laging bumabalik sa pagkilala sa kanyang pangangailangan sa pagbibilang ng katuwiran ni Kristo, ang mga moderno ay patuloy na sinisindihan ang pagkamuhi sa makabibliyang ebanghelyo. Pinababayaan natin ang pagkamuhing ito ang magturo para sa atin ng kalikasan ng ministeryo at kung ano ang ating ipapahayag.

Maraming mula sa kilusan ng mga iglesia na nagpaparaming ng bilang ang nanampalataya na ang mga sociologong pangunawa sa mga taong nakaupo sa simbahan ay kasing-halaga ng pambibliyang katotoohang ipinahahayag upang maging matagumpay ang ebanghelyo. Bunga nito, ang mga teyolohikal na paninindigan ay malimit na inihiwalay sa mga gawain ng ministeryo. Ang mga pang-marketing na pananaw na lumalaganap sa mga iglesia ay isinusulong ito na mas lalong higit sa pamamagitan ng pagbubura ng pagtatangi sa pagitan ng Salita at ng sanlibutan na siyang nagtatanggal ng tinik sa krus ni Kristo at binababang pilit ang Kristiyanong pananampalataya sa mga prinsipyo at pamamaraan na nagbibigay tagumpay sa mga sekular na korporasyon.

Bagama’t ang teolohika ng krus ay pinaniniwalaan, ang kilusang ito, kung tutuusin, ay isinasawalang-kabuluhan ito. Walang ibang ebanghelyo maliban sa paghalili ni Kristo alang-alang sa atin kung saan ang Dios ay itinuring ang ating mga kasalanan sa kanya at ang kanyang katuwiran sa atin. Sapagkat siya ang nagdala ng ating hatol, makalalakad ngayon tayo sa kanyang biyaya bilang mga pinatawad, tinaggap at inampong anak ng Dios magpakailanman. Walang ibang batayan upang tayo ay tanggapin maliban sa pagliligtas ng ginawa ni Kristo, hindi ang ating kagitingan, panata o moralidad. Ang ebanghelyo ay pagpapahayag ng kung ano ang ginawa ng Dios para sa atin kay Kristo. Hindi ito patungkol sa mga bagay na ating maaring gawin upang maabot Siya.

Ikaapat na Panukala: Sola Fide
Muli naming ipinagtitibay na ang pagaaring-ganap ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ng dahil kay Kristo lamang. Sa pagaaring-ganap, ang katuwiran ni Kristo ay ibinilang sa atin na siya lamang maaring makapagbibigay-kalubusan sa ganap na katarungan ng Dios.

Aming itinatanggi na ang pagaaring-ganap ay mayroong anong karapatan na maaring matanggap mula ating mga sarili o sa batayan man ng ano mang paghahalo ng katuwiran ni Kristo sa atin o ng sinomang institusyon na nagsasabing ang iglesia ay marapat na itanggi o hatulan ang sola fide upang maging isang taal na iglesia.

Mga Katanungang pang-usapin:

  1. Ano ang ibig sabihin ng inaaring-ganap (Roma 4:5, 9, 22)?
  2. Ano ba ang mensahe ng ebanghelyo ni Kristo (2 Cor 5:21)?
  3. Bakit mahalaga na ang pag-aaring ganap sa pananampalataya lamang (Gal 3:10-14)

Soli Deo Gloria: Pagbagsak ng Pagsambang Naka-Sentro sa Dios

Kung saan ang kapamahalaang pambibliya ay nawawala sa iglesia, si Kristo ay napapalitan, ang ebanghelyo ay nababaluktot, ang pananampalataya ay napapahamak, ito ay bunga lamang ng isang dahilan: nawawala ang Dios sa ating mga interes at pinipilit natin ang ating mga paraan laban sa mga gawa ng Dios. Ang pagkawala sa sentro ng Dios sa buhay ng iglesia sa ngayon ay talamak at kalunos-lunos. Ang pagwalang ito ang nadulot sa atin na baguhin ang pananambahan bilang libangan, ang ebanghelyo bilang pagma-marketing, panananampalataya bilang pamamaraan, pagiging mabuti bilang pakiramdam na mabuti ang sarili, katapatan bilang katagumpayan. Bunga nito, ang Dios, si Kristo at ang Banal na Kasulatan ay nauubusan sa ibig sabihin para sa atin at nawawalan ng halaga.

Ang Dios ay naririto hindi upang pagbigyan ang lahat ng atin mga ambisyon, hilig, mga ganang ubusin o mga pansaliring pribadong interes. Ituon natin ang ating pansin sa Dios na ating sinasamba higit pa dun sa kabusugan ng ating mga personal na pangangailangan. Ang Dios ay may kasarinlan sa pananambahan at tayo ay hindi. Ang alintana natin ay ang kaharian ng Dios at hindi ang ating sariling mga emperyo, popularidad o tagumpay.

Ikalimang Panukala: Soli Deo Gloria
Muli naming ipinagtitibay na dahil ang kaligtasan ay sa Dios at isinakatuparan ng Dios, ito ay para sa kaluwalhatian ng Dios at dahil dito, marapat natin paluwalhatian siya palagi. Marapat lamang na isaayon ang ating mga buhay sa harapan ng mukha ng Dios, sa ilalim ng kanyang kapamahalaan at sa kanyang kaluwalhatian.

Aming itinatanggi na ang maari nating wastong maluluwalhati ang Dios kung ito ay maihahalo sa libangan. Kung mapapabayaan natin ang Kautusan o ang Ebanghelyo sa ating pangangaral, or kung ang tulong-sa-sarili, pagpapahalaga-sa-sarili o paghuhusto-sa-sarili ay pahihintulutan maging kapalit ng ebanghelyo.

Mga Katanungang Pang-usapin:

1. Sino ba ang sentro ng pananambahan (1 Cor 10:31; Rom 11:36)?

2. Ano ang nagyayari kapag iniaalis ang Dios sa sentro ng lahat ng bagay (Rom 1:18-22)?

Tawag upang Magsisi at Magreporma

Ang katapatan ng mga ebangheliko nuon ay kabaliktaran ng pagtataksil ng mga ebangheliko ngayon. Nuong mga nakaraang siglo, ang mga ebanghelikong iglesia ay kumandili sa isang pambihirang pangmisyonerong pagsusumikap at nagtayo ng mga institusyong pangrelihiyon upang ipaglingkod sa usapin ng pambibliyang katotohanan at kaharian ni Kristo. Ito ang panahon kung kalian ang mga Kristiyanong paguugaling inaasahan ay markadong nakahiwalay sa kultura. Ngayon ito ay malimit na hindi. Ang mundo ng ebangheliko ay nawawalan ng kayang katapatang pambiblikal, moral na aguhon at sigasig sa misyon.

Nagsisisi kami para ating pagiging makamundo. Naimpluwensyahan kami ng “ebanghelyo” ng ating sekular na kultura. Napahina natin ang iglesia sa kawalan natin ng seryosong pagsisisi, kabulagan sa ating mga kasalanan na malinaw nating nakikita sa ating mga sarili gayundin sa iba, at ang ating hindi mapapatawad na pagkabigo na hustong masabi sa iba patungkol sa ginagawa ng Dios sa pamamagitan ni Hesu Kristo.

Taimtim naming tinatawag ang mga napapariwarang nagpapahayag na mga ebangheliko na napalayo na mula sa Salita ng Dios patungkol sa mga bagay na nakasaad sa kapahayagang ito. Kasama nila ang mga napapahayagang na may pagasa sa buhay na walang hanggan labas duon sa mga tahasang nagpapahayag ng pananampalataya kay Hesu Kristo na nagsasabi na sinomang hindi tumanggap kay Kristo sa buhay na ito ay pupuksain at hindi magmagtitiis sa makatarungang paghuhukon ng Dios sa walang hanggan kaparuhasan o duon sa mga nagsasabi na ang mga ebangheliko at mga Romano Katoliko kaisa kay Kristo sa kabila ng hindi paniniwala sa doktina ng pagaaring-ganap sa pananampalataya.

Ang Aliyansa ng mga Nagpapahayag na Ebangheliko ay nakikiusap sa lahat ng mga Kristiyano na bigyang pansin ang pasasagawa ng mga kapahayagang ito sa kani-kanilang pagsamba, ministeryo, patakaran, buhay at ebanghelismo ng iglesia.

Alang-alang kay Kristo. Amen.

Konsilyong Tagapagpalaganap ng Alyansa ng mga Nagpapahayag na Ebangheliko (1996)

 

Dr. John Armstrong
The Rev. Alistair Begg
Dr. James M. Boice
Dr. W. Robert Godfrey
Dr. John D. Hannah
Dr. Michael S. Horton
Mrs. Rosemary Jensen
Dr. R. Albert Mohler, Jr.
Dr. Robert M. Norris
Dr. R.C. Sproul
Dr. Gene Edward Veith
Dr. David Wells
Dr. Luder Whitlock
Dr. J.A.O. Preus, III

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Other Resources

Recent Sermons

VISIT OUR CHURCH

Come, join us as we worship the Lord and learn from His Word