Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Ang Kahalagahan at Kasayanan ng Katekismo (Deut 6:4-9 at 2 Tim 3:14-15)

Lumaki ako sa isang pamilyang Kristiyano at miyembro ng ebanghelikong iglesia mula sa pagkabata ngunit hindi ko naranasang maturuan ng mga pangunahing doktrina ng iglesia or mapasa-ilalim man lamang sa inyong sersoyong pangkat na magtuturo ng mga ito. Oo lumaki ako na nagsa-Sunday school nuong bata, nakilala ko si Adan, Abraham, Noe, David at iba pa ngunit walang itong sistematikong paglalaktad ng mga mahahalagang katuruan tungkol sa Dios, sa kanyang kalooban at gawa ng pagliligtas. Para sa marami, pagaaral ng mga ito ay para lamang duon sa mga nagsasanay sa pagpapastor o mga iskolar. 

Nuong magbinata ako, may isang sistema ng pagtuturo na masabing malapit na sa doktrina at ito ang Roman’s Road o ang Istorya ng Krus o ang Limang kulay ng Ebanghelyo. Madalas itong gamitin sa mga Evangelism activities nuon at masasabi ko ngayon na marami sa ito ay puro lamang porma ngunit wala naman itong substansya or mainam na nilalaman. Kahit pa nuong magaral ako sa paghahanda sa pagpapastor, ang mga nilalaman ng aking mga pagaaral nuong ay nakatuon sa porma lamang ng paglilingkod ngunit wala naman itong mabisang nilalaman. 

Marahil marami sa atin na galing sa mga ebangheliko o pentekostal na mga iglesia ay nagdaan o nakakaranas din ng mga pagturo na puro lamang porma ngunit wala namang laman. Dahil dito, marami ang uhaw at gutom sa purong gatas ng mga doktrina galing sa Banal na Kasulatan. Kaya nga, ang mga iglesia muna pa nuong una gayundin, ang repormadong iglesia ng kasaysayan ay nagiwan sa atin mga pagaaral na hindi lamang puro porma kundi hitik na hitik sa laman. Ito ang mga maka-saysayang kredo, konpensyon, at katrkismo ng iglesia repormado katolika. At sa ating bagong sermon serye ng bagong taon na pagaaralan natin sa mga darating na Araw ng Panginoon, pagaaralan natin ang isa sa mga mahalahagang katekismo ng iglesia, ang Westminster Shorter Catechism.

Ano ba ang katekismo at ang kasanayan nito?

Sa maikling mga salita, ang katekismo ay pagturo. Sa kontextong Kristiyano, ito ay pagtuturo ng mga pangunahing doktrina ng iglesia. Sa partikular ng porma ng konpensyong repormado, ito ay pagtuturo ng mga pangunahing doktrina ng iglesia sa porma ng tanong at sagot. Ito ay sang-ayon sa repormadong porma ng pagtuturo ng Kautusan at Ebanghelyo bilang nilalaman ng buong Banal na Kasulatan. 

At bilang kasanayan, ang katekismo ay pagtuturo ng mga pang-elementaryang doktrina ng pananampalataya, una sa mga matatandang magpapamiyembro sa iglesia at ikalawa sa mga anak ng miyembrong magulang na mamampalataya. Ito ay isinasagawa bilang ministeryo ng pagtuturo, una sa publiko sa pangunguna ng mga pastor at elders, at ikalawa sa mga pribadong tahanan sa pangunguna ng mga Kristiyanong ama. 

Bilang panimula, ang ating pangangaral ngayon umaga ay nahahati sa dalawang puntos: 1) Ang Kahalagahan ng Katekismo; 2) Ang Kasanayan ng Katekismo. Sa una, sasagutin natin ang tanong tungkol sa batayan ng pagtuturo ng katekismo, ang kasaysayan nito, at kahalagan nito. Sa pangalawa, sasagutin natin ang mga praktikal na tanong tungkol sa pagsasagawa nito sa ating mga iglesia at tahanan.

Bago tayo magsimula, tayo muna ay manalangin…

Ang Kahalagahan ng Katekismo

Ang batayan ng katekismo ay ang Banal na Kasulatan lamang. Bagama’t ang mga kredo o konpesyon ay nakatutulong sa pagtuturo ng mga doktrina, hindi ito ang pangunahing batayang na katekismo. Bagkus, ang mga makasaysayang dokumento ng iglesia ay pangalawahin lamang at maituturing na mabisa samantalang ang ay mapatutunayang na mula mismo sa Banal na Kasulatan.

Ang Banal na Kasulatan sa kabuoan ay nagtuturo ng mga doktrinang sang-ayon sa Kautusan at sa Ebanghelyo (Law and Gospel). Ang katekismo o pagtuturo ay mababasang malinaw sa Luma at Bayan Tipan. Kay Abraham mula sa Genesis 17:7, pinangako ng Dios na: “At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako’y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.” Tinutukoy nito ang walang hanggan tipan ng biyaya na isasakatuparan ni Kristo bilang nagiisang binhi sa lahi ni Abraham. Mula dito makikita natin sa kasaysayan hanggang kay Moses mula sa Exodo 12 at 13 kung saan ang mga magulang ay inuutusan ng Dios na ituro sa kanilang mga anak ang tungkol sa ginawa niyang pagliligtas sa bayang ng Israel mula sa pagiging alipin ng Ehipto. Gayundin sa Deut 6:4-9 sa ating tekto binasa ng ating elders ay naguutos sa bayan Israel na ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang tungkol sa pagiging isa ng Dios at ang tamang pagsamba sa kanya. 

At maging sa bagong tipan, si Hesus mismo ay nagutos sa kanyang mga alagad ng dalhin ang Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Mula sa Mateo 28:19-20, pinagsabihan sila ni Hesus na magturo, magsakramento, at magdisiplina. Kasama sa adhikaing pagtuturo hindi lamang ang mga matatandang mananampalataya kundi pati na rin ang mga kanilang mga anak. Sabi ni Pedro sa kanyang unang sermon pagkatapos ng pentekos na ang pangako sa inyo at sa inyong mga anak (Gawa 2:39). Gayundin, ang gawain ng pagtuturo ay mabasang malinaw sa mga sulat ni Pablo sa Galatia 6:6 kung saan ginamit niya mismo ang mga salitang katekismo upang tukuyin ang obligasyon ng mga tinuturuan (catechumens) na magkaloob sa kanilang mga tagapaturo (catechists). At sa sulat ni Pablo kay Timoteo na tektong binasa ng ating elder mula 2 Timoteo 3:15, ang pagtuturo Banal na Kasulatan ay naghatid kay Timoteo ng pananampalataya kay Hesu Kristo. 

Dahil dito, ang katekismo ay nagpatuloy sa kasaysayan ng iglesia mula sa mga unang iglesia hanggang sa mga repormadong iglesia nila Luther at Calvin. Ang sulat na Didache ay isunulat upang ituro ang paraan ng pagtanggap ng mga bagong miyembro ng iglesia bilang mga catechumens. Si Augustine at Ambrose ay sumailalim sa katekismo bago sila nating miyembro ng Iglesia sa Milan. Si Luther ay sumulat ng mga katekismo upang iturong muli ang doktrina sa Banal na Kasulatan. Si Calvin na sumulat ng Institute of Christian Religion at mga komentaryo ng mga aklat ng Bibliya ay sumulat ng katekismo sa Geneva. Si Ursinus sa Germany ay ang pangunahing manunulat ng Heidelberg Catechism at ang Westminster Assembly ng Inglatera at Scotland ay nagsapubliko ng Shorter Catechism na siyang magiging katekismo na ating pagaaralan sa mga sususunod na linggo. 

Kaya nga, ang pagkakatekismo ay isang mahalagang gawain ng iglesia na marapat ipagpatuloy. 

Una, sapagkat ito ay makabibliyang gawain. Ang maikling survey na ating narinig, mapapatunayan na ang katekismo o pagtuturo ng mga doktrina ng Banal na Kasulatan ay magbabasa sa Banal na Kasulatan. 

Pangalawa, sapagkat mula dito ang kasaysayan ng pagliligtas ang malalaman, mauunawaan, at matatangap. Walang ibang paraan ang Banal na Espiritu upang dalhin ang mga anak ng Dios sa pagliligtas maliban sa pagkilala at pagkaunawa ng Banal na Kasulatan at ang pagka-katekismo ay isang mabisang paraan upang maituro ang lahat ay nilalaman nito. 

Ikatlo, sapagkat isa itong seryosong pagtawag ng Dios bilang obligasyon ng bawa’t Kristiyanong iglesia at sambahayan. Ang pagtuturo or katekismo ay isang banal na tungkulin ng tipan ng biyaya na ipinagkatiwala sa bawa’t mananampalataya. Hindi ito maaring balewalain o isang tabi sapagkat mula dito ang mga aral ng pagliligtas ay magpatuloy sa bawa’t henerasyon hanggang sa muling pagbabalik ng ating Panginoon. 

Nawa’y buksan ng Dios ang bawa’t isip at puso ng sinomang tagapakinig ng mesaheng ito at pagapalain ang bawa’t gawain ng pagka-katekismo sa mga iglesia. 

Ang Kasanayan ng Katekismo

Ang mga balakid sa kasanayan ng katekismo ay may mga praktikal na mga tanong na marapat sagutin. 

Una, maari nating isipin: “Pastor, paraang hindi ko ito kakayanin. Hindi ako lumaki sa katekismo nuong lumalaki ako. Anong gagawin ko?” Mabuti na makita natin ang sarili natin pagkukulang. Mabisa itong paraan upang maging bukas tayo sa tulong ng iba. Ang Espiritu ng pagpapakumbaba ang kinakailangan upang ang tulong muna sa Dios ay matanggap bilang isang pagpapala. Kaya nga, kung may pagkukulang tayo sa kaalaman o kasanayan, ang payo ng Banal na Kasulatan na manalangin tayo ng karunungan mula sa Dios. Instrumento din dito ang inyong mga tagapagturo upang tulungan tayo at i-encourage tayo na simulan at ipagpatuloy ang gawain ng katekismo.

Ikalawa, paano ko ito sisimulan? Payong Kristiyano, ngayon na. Hindi bukas o sa mga susunod na panahon. Kung kumbinsido tayo na ang gawain ng pagka-katekismo ay isang makabibliyang paraan ng Dios upang ihatid ang bawa’t mananampalataya sa pagliligtas, bigyan natin ito ng panahon at importansya. Kahit anong gawain ay nagsisimula sa wala at kung gagawin ito ng may katiyagaan at kasanayan o consistency, magkakaroon ito ng ugat at sa awa ng Panginoon kung ito ay sang-ayon sa kanyang kalooban ay bunga. Ito ang ordinaryong paraan ng pagliligtas ayon sa tipan ng biyaya. 

Ano ang gagamitin kong tulong at batayan?

Ang mga elemento ng mga pananambahan ay maari nating gawin bilang mga bahagi ng pampamilyang pananambahan. Ito ay pangungunahan ng mga magulang, sa katauhan ng Ama at Ina ng tahanan. Bagama’t, hindi po ito isang bagay na marapat tignan na pawang pagbalik sa kasunduan ayon sa Kautusan kundi katuparan ng Kristo ayon sa bagong Tipan, ang mga panuntunang ito ay magkapagpapatibay sa pananampalataya ng sambahayanan. Mahalaga na ito ang gawin na naayon sa espiritu ng kalayaan kung saan ang bawa’t panahon ay pipiliin ayon sa pinagkasunduan ng bawa’t miyembro ng tahanan. Ang pagganap nito ng may regularidad ay mahalaga upang bigyang-diin ang prioridad nito sa buhay ng sambahayanan.

Una, ang pagpapabasa ng Banal na Kasulatan. Tandaan natin ang sabi ni Hesus: “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios (Mateo 4:4).” Ang pagbabasa ng mga talata sa Banal na Kasulatan ay magpatibay sa isip at puso ng sinoman nakikinig. Ito ang batayan ng ating pananampalataya at kasanayan.

Ikalawa, ang pagawit ng may Pasasalamat at Pananalangin ng sama-sama. Pinapaalala sa atin ni Pablo na ang patungon sa mga Salita ng Dios ay pagpupuri at pananalangin: “Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo’y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios (Col 3:16). Ang pagbabasa ng Salita ng Dios kasama ng pagpupuri at pananalangin ay mga pangunahing paraan ng biyaya o means of grace. 

Ikatlo, ang pagtuturo ng Katekismo. Muli sabi ni Pablo “At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus (2 Timoteo 3:15).” Ang mga doktrina mula sa Banal na Kasulatan ay isang mabisang paraan upang ihatid ang bawa’t isang anak ng Dios sa pananampalataya ay Kristo Hesus. 

Kung tutuusin ang lahat ng mga ito ay nakabatay sa mga bahagi ng ating pampublikong panamambahan. Kaya nga, mabisa para sinomang dumalo sa pananambahan sa Araw ng Panginoon upang sanayin ang ating mga sarili upang maisagawa ito sa ating mga pribadong sambahanan. 

Konklusyon

Kongregasyon ng ZCRC(Imus), ang pagtuturo ng mga doktrina mula sa Banal na Kasulatan ay mahalaga at marapat sanayin sa bawa’t iglesia at sambahayanan. Ito ang mabisang paraan na itinakda ng Dios upang dalhin ang kanyang mga anak sa kasunduan ng biyaya. Amen.

Share with others:
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email
Share on print
Print

Leave a Comment

Latest Sermons

Related Articles

VISIT OUR CHURCH

Come, join us as we worship the Lord and learn from His Word