Search

Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Ang Pagkakatawang-tao

Juan 1:14 (texto); Exodo 29:35-37;45-47 at Apokalipsis 21:1-4
Rev. Lance Filio • January 3, 2016

 

Panimula

Sino ba si Hesu Kristo? Bakit mahalaga para ating pananampalataya na sagutin ang katunugang ito? Hindi ba sapat na mayroon tayong personal na relasyon sa Dios ng dahil sa kanya ngunit hindi naman natin siya kilala?

Ang sabi ni Graeme Goldsworthy na isang batikang manunulat at tagapagturo ng biblical theology:

“Some would emphasize it as having faith in Jesus, as if faith were an entity in itself and something that we produce from within ourselves. You will sometimes hear the statement, “You’ve got to have faith!” But, faith in what? The New Testament emphasizes the matter as having faith in Jesus. Faith is not something we produce in a vacuum; it is what happens when the Spirit enables us to see Jesus as worthy of our trust and confidence.”

1919135_10206468134075905_4442190166460263447_nKaya nga, mahalaga para ating mga mananampalataya na kilalanin at maipakilala ang batayan ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral ng persona at gawa ng ating Panginoong Hesu Kristo. Ito ang layunin ng ating pagpapahayag sa kabuoan ng isang buwan, ang maipaunawa sa sa isa’t-isa ang mga ginawa ng persona ng Anak na Dios. Sapagkat sa pamamagitan ng pagkilala sa kanya, matatagpuan natin kaligtasan ng dahil sa kanya:

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.” ~ Juan 17:3

Ang unang gawa ng persona ng Anak ng Dios na ating susuriin ay ang kanyang pagkakatawang-tao. Sino ang nagkatawang-tao? Ano ang kababalaghan dala ng pagkakatawang-tao ng Dios? Anong pag-asang dala nito sa ating mga mananampalataya?

Ang nagkatawang-tao ayon sa Juan 1:1-4 ay ang Verbo o ang Salita ng Dios. Ito ang ikalawang persona na Anak ng Dios. Hindi ang kabuoan ng Banal na Trinidad ang nagdala ng naturan ng tao, hindi ang nagsugo o ang Ama ang naparito sa lupa kundi ang persona ng Dios Anak, ang sugo ng Dios Ama.  Paano ito naipakilala sa kabuang ng Banal na Kasulatan? Una, ito ay naisalarawan sa lumang tipan at ikalawa, ito ay naisakaturapan sa bagong tipan.

Ang Larawan ng Tabernakulo ng Dios

Ang larawan ng pamamalagi ng Dios sa kanyang bayan ay mabisang naipakita sa lumang tipan sa pamamagitan ng tabernakulo at templo. Bagama’t ang lumang tipan, dala ng progresibong naturan ng pagpapakilala ng Dios o “progressive revelation”, ay hindi pa direstuhang nagpapakilala ng Banal na Trinidad ng Dios, si Yahweh, bilang hari at Panginoon ng bayang Israel ay patuloy na nagpapakilala bilang isang Dios (Elohim) na kasama ng kanyang bayan. Kaya nga, makatapos tanggaping ng bayan ang utos ni Yahweh mula sa bundok Sinai ay ibinigay ang panuntunan ng tabernakulo bilang tagpuan ng Dios at ng tao:

“At doo’y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian. At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. At ako’y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako’y magiging kanilang Dios. At kanilang makikilala, na ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako’y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.” ~ Exodo 29:44-47

At bagama’t ang pangako ng pananatili ng Dios sa kanilang kalagitaan ay nagpapatuloy ngunit dala ng kanilang kasalanan at katigasan ng ulo, ang tabernakulo ng naging templo ay ilang ulit na ginunaw ng mga kaaway ng Israel hanggang sa tuluyan na itong hindi na muling naitayo sa panahong ito. Dahil dito, ang pangako ng Dios ng pamamalagi ay nananatili at ipinahayag ng mga propeta ng Dios una na dito ang pangitain ni Isaias sa pagdating ng Mesias, ng Kristo:

“Kaya’t ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.” ~ Isaias 7:14

Maging si propeta Hosea, Micah, gayundin si Malakias ay nagpahayag ng pagdating mismo ni Yahweh, bilang kanilang Dios at Hari ay darating sa kanilang kalagitnaan upang maging kanilang hukom:

“Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto.” ~ Hosea 11:1

“Nguni’t ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan. Kaya’t kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel. At siya’y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila’y mananatili; sapagka’t ngayon siya’y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.” ~ Micah 5:2-5

“Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya’y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya’y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.” ~ Malakias 3:1

Ang Katunayan ng Pagsasaatin ng Dios

Sino ang paparito? Sino ang magtatabernakulo at dumating sa kanyang templo? Oo ang Dios mismo ang dumating at ito ang tinukoy ng lumang tipan. Ngunit katulad ng gustong bigyaan-din ng bagong tipan, si Yahweh, bagama’t hindi pa tuwirang ipinakilala na isang trinidad, ay malinaw na babasa naman sa bagong tipan.

“The New Testament says it (incarnation) was an event when “God sent forth His Son” to be “conceived of the Holy Ghost (Matt 1:20; Luke 1:35)  and to “made of a woman” (Gal 4:4) and the Word (Logos) was made flesh (John 1:14) and when “God was manifest in the flesh (1 Tim 3:16). This was the event that the prophets and angels were so desirous of understanding (1 Peter 1:10-12) and so privilege in announcing. The angels heralded this event, saying: “And they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us (Matt 1:23). The incarnation, then, is that act and event of God in which His eternal Son conceived and born as a human child.” ~ Daniel Hyde

Ipinanganak sa Bethelem at ayon sa lipi ni Haring David (Mateo 2:1), ang walang hanggang Dios Anak ay nagkatawang-tao mula sa isang dalagang babae na hindi sa pamamagitan ng natural na paraan ng pagbuo ng isang bata kundi sa isang kababalaghan ng birhen sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang persona ng Anak ng Dios, ang sugo ng Dios Ama at sa bisa ng pagkilos ng Espiritu ang katuparan ng larawan ng pagtatabernakulo ng Dios sa lupa. Ngunit nuong nagkatawang tao ba ang Dios Anak ay nawala ang kanyang pagka-Dios upang pagbigyan ang kanyang pagiging tao? Ito ay sukdulan ng kababalaghan ng pagkakakilala ating kay Hesu Kristo: bagamat naging tao ay nanatiling Dios na totoo. Katulad ng sinabi sa Kredong Nicene:

“At sa isang Panginoong Jesu-Cristo, ang bugtong na Anak ng Diyos, ipinanganak ng Ama bago ang lahat ng sanlibutuan, Diyos mula sa Diyos, Liwanag mula sa Liwanag, totoong Diyos mula sa totoong Diyos, bugtong na Anak na hindi nilikha, na kaisang kalikasan ng Ama, na sa pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat ng mga bagay; na para sa ating mga tao at sa ating kaligtasan, ay bumaba mula sa langit at nagkatawang tao, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, mula kay birheng Maria ay naging tao;”

Iisang persona ng Dios Anak na may dalawang kalikasan, pagka-Dios at pagka-tao ang ating pagkakakilala kay Hesu Kristo ngunit nawala ba ang kanyang pagka-Dios na siya ay naging tao?

“We might be thinking, though, “Did not the Son cease to be God when He became a man?” After all, we reason, “Does not the Bible say the Son of God ‘emptied’ himself’” (Phil. 2:7)? It is true that there are theologians who teach that God the Son laid aside His divine nature while on earth as a man or that He divested himself of His divine attributes or prerogatives of His deity. This they teach based on the Greek word kenōsis, translated “made of no reputation” or “emptied.” Yet, this cannot be true since God is immutable; that is, He does not change (Mal. 3:6). What does it mean, then, that the Son “emptied” Himself? What Paul is saying in Philippians 2:6–8 is that the Son, who before the incarnation was “in the form of God,” was of the same essence as the Father, being invisible and spiritual. After the incarnation, He took the “form of a servant, and was made in the likeness of men.” Thus, the eternal Son was humbled to the point of the death of the cross. In the incarnation, “Christ added to himself that which he was not; he did not lose what he was.” This stooping down from eternity into time, from immortality into mortality, from immutability into mutability, was the Son’s humiliation, emptying, and becoming without reputation.” ~ Daniel Hyde

Muli, nawala ba ang kanyang pagka-Dios na siya ay naging tao?

Hindi sapagkat ang Filipos 2:7 ay pagpapakilala lamang ng pagpapakababa ng Dios Anak at hindi pagpapawalang-bisa ng kanyang kapangyarihan.

Ang Walang Hanggang Pagmamaligi ng Dios

Bilang tunay na Dios at walang hanggan tao pagkatapos na siya ay magpakababa ngunit itinaas at niluwalhati ng Dios Ama sa luklukan ng kanyang Trono sa kalangitan. Mahalaga ang pagkilalang ito para sa ating sapagkat ito ang batayan ng ating kaligtasan sa kanyang persona at gawa. Ito ang paalala sa atin ng Katekismong Heidelberg:

Q. 46.  How dost thou understand these words, “He ascended into heaven”?
A.  That Christ, in sight of His disciples, was taken up from earth into heaven; and that He continues there for our interest, until He comes again to judge the quick and the dead.
Q. 47.  Is not Christ then with us even to the end of the world, as He hath promised?
A.  Christ is very man and very God; with respect to His human nature, He is no more on earth; but with respect to His Godhead, majesty, grace, and spirit, He is at no time absent from us.
Q. 48.  But if His human nature is not present wherever His Godhead is, are not then these two natures in Christ separated from one another?
A.  Not at all, for since the Godhead is illimitable and omnipresent, it must necessarily follow that the same is beyond the limits of the human nature He assumed, and yet is nevertheless in this human nature and remains personally united to it.
Q. 49.  Of what advantage to us is Christ’s ascension into heaven?
A.  First, that He is our advocate in the presence of His Father in heaven; secondly, that we have our flesh in heaven as a sure pledge that He, as the Head, will also take up to Himself, us, His members; thirdly, that He sends us His Spirit as an earnest, by whose power we seek the things which are above, where Christ sitteth on the right hand of God, and not things on earth.

Kaya nga, ang walang hanggang pamamalagi ng Dios ay nasa atin na sa prinsipyo gayundin ay tiyak na mangyayari sa atin sa bagong nilikha na Dios:

“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa:sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:4 At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man:ang mga bagay nang una ay naparam na.” (Apokalipsis 21:1-4)

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment