Search

Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Ang Tawag ng Pananampalataya: Masdan Natin si Hesus!

 

Hebrews 12:2 (text); John 3:14; Numbers 21:9
Rev. Lance Filio • January 25, 2015

1. Sa anong klaseng pananampalataya ba tayo tinatawag na Dios patungkol kay Hesus?

bronze serpentHindi tayo tinatawag na Dios upang manamapalataya sa ating sariling pagsampalataya sapagkat ito ay maituturing na pagtitiwala sa sariling paggawa (ang sumampalataya) at alam natin mula sa Ephesians 2:8-9 na “ang pananampalataya ay hindi ating mga sarili o maging ating pagawa na maari nating ipagmalaki. Hindi rin naman tayo tinawag ng Dios sa isang uri ng pananampalatay na maaring tapusin ng pagawa katulad ng sinabi ni Pablo sa Galatians 3:2 -3 na malaking kamangmangan na ituring na tayo na mga tinawag sa Espritu sa pamamagitan ng pananampalataya na akalain kakakayanin natin itong sakdalin sa pamamagitan ng pagawa ng kautusan.
Hindi kung bagkus tayo ay tinawag kay Kristo sa pamamagitan ng pananamapalataya sa pananampalataya (Rom 1:17). Ito ay sa pananamapalataya mula una hanggang huli, mula sa buhay hanggang kamatayan.

2. Kung ang uri ng ating pananampalataya hindi sa pamamagitan ng ating sariling pagsampalataya o maging pananampalataya sa simula ngunit pagawa din sa bandang huli bagkus pananampalataya lamang, saan at ano ang saligan ng pananampalatayang ito?

Ang pananampalatayang ito, na siyang katwiran ng Dios sa atin (Rom 1:17) ay hindi nakasalig sa ating sariling katuwiran bagkus sa katwiran ni Kristo (Rom 10:2-3). Isang katwiran na nakasalig sa persona at gawa ni Kristo na siyang ating ebanghelyo. (1 Cor 15:1-11) Isang katuwirang mula sa pananampalataya na tumitingin sa persona at gawa ni Kristo (John 3:14).

Ito ang pananampalataya ng maging ng mga mananamapalataya nuong una na ayon sa Hebrews 12:1 na mula sa makapal na bilang ng mga saksi. Ito ang nanampalatayang pinagtibay ni Juan nuong banggitin niya sa John 3:14 na kung paanong itinaas si Moses ahas sa ilang upang kung ang sinoman sa mga taga-Israel ang tumingin ay maligtas sa kapahamakan (Num 21:9), ang buong sanlibutan naman ay maliligtas sa pagtataas ng Ama ng kanyang sarling Anak sa krus upang ang sinomang sumampalataya dito ay maliligtas (John 3:15-16). Ito ang persona at gawa ni Kristo na siyang ating Ebanghelyo, ang nilalaman ng ating pananampalataya kay Kristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng pagasa at kaaliwan sa buhay na ito maging sa muling pagparito niyang pagparito.

3. Kung ang pananampalataya natin ay kay Kristo at hindi sa ating mga sarili bagkus sa kanyang persona at gawa, bilang mga saksi saan natin marapat ito ang iba upang mananamapalataya?

Ayon sa paanyaya sa Hebrews 12:2, “Masdan natin si Hesus na gumawa at sumakdal ating pananampalataya”. Ito ay nagtuturo sa ating ng doktrina at hindi lamang isang moral na halimbawa na pinagpipilitan ng iba. Ito ay naglalaman ng persona ni Kristo na “umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” at siyang gumawa para sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng “pagtitiis sa krus” at maging “niwalang bahala ang kahihiyaan”. Hindi ito isang bagay na marapat lamang sundan bilang halimbawa bagkus isang doktrina na marapat tanggapin at maging batayan ng atin buhay. Kaya nga, hindi natin itinuturo ang ating mga sarlili o maging ating ministeryo upang maging halimbawa ng pananampalataya sapagkat tuwing ginagawa natin ito, inilalayo natin ang iba sa tunay na sentro ng ating pananampalataya. Itinuro natin ang persona at gawa ni Kristo upang mailayo siya sa pagtingin sa kanilang mga sarili o maging sa atin. Masdan si Kristo! ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya!

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment