Rev. Lance Filio• February 28, 2016
Ang Gawa ng Dios kay Kristo sa ating Kaligtasan
Bagamat ang pag-ibig ng Dios ang naging batayan ng ating kaligtasan, ang kanyang katuwiran naman ang naging dahilan kung bakit kinailangan ng kamatayan ng Anak ng Dios para maging kabayaran ng ating mga kasalanan. Ang kasalanan ng makasalanan ang sumasalangsang sa katuwiran ng Dios ay naninihingil ng kabayaran kaya’t maari lamang patawarin ang isang makasalanan kung ang kapalit nito’y kamatayan na maari lamang ipagkaloob ng Dios Anak bilang tunay na tao at tunay na Dios. Ang pagliligtas sa pamamagitan ng pagpapasakit ng isa ay pinakilala na sa atin mula pa sa lumang tipan ni propeta Isaias. Ayon sa kasaysayan ng kaligtasan, ang pagdating ng Tagapagligtas, ng Manunubos, ang kasalanan ng bayan ay ipapasa sa kanya na walang kasalanan katulad ng kabayarang-kapalit ayon sa lumang tipan ng kautusan ni Moses.Sapagkat ang Anak ng Dios ang naging kabayaran, ang ang katuwiran ng isa ang naging batayan ng katuwiran ng pananampalataya:
Sapagka’t kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga’y si Jesucristo. Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid. ~ Roma 5:17-19
Audio sermon link: Ang Gawa ng Dios kay Kristo