Rev. Lance Filio• May 1, 2016
Dito makikita natin sa larawan ni Abraham ang katunayan kay Kristo na ating Hari at Tagapagligtas. Hindi alintana ang kapahamakang sasalubungin, pinili ng Dios Anak ang daan ng kamatayan at paghihirap, madala lamang tayo na kanyang mga pinili para sa kaligtasan, mula sa kapahamakan tungo sa kaligtasan:
Sapagka’t nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama. Sapagka’t ang isang tao’y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama’t dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay. Datapuwa’t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. ~ Roma 5:6-9
Ngunit hindi katulad ni Abram, ang Kristo ay nagpakababa, nagsuko ng kanyang sariling buhay, naging isang lingkod upang ilay ang kanyang sarili para sa kawan. Bakit? Sapagkat ang Hari naparito, bagama’t tunay ng hari ng mga hari kundi isa ring sasardoteng-pari.