Search

Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Ang Paghahanda sa Manlalakbay

 

Rev. Lance Filio• April 3, 2016

Ang Paghahanda sa Manlalakbay10628148_10207123291454430_8583809038179318452_n (1)

Katulad nating mga nanamapalataya sa ilalim ng kasunduan kay Kristo, si Abraham ay nabuhay din sa kasunduan ng biyaya. Bagama’t ang katunayan ang nasa atin at kay Abraham ang pasimula ng pangako. Tayo, kasama niya, ay mga manlalakbay lamang sa lupa ngunit mga mamayanan naman ng langit. Kaya nga katulad din niya, tayo ay makararanas ng mga paghahanda sa pagtanggap natin ng mabisang pagtawag Dios sa pananampalataya. Hindi naging madali ang pagtawag ng Dios sa mga manlalakbay sapananampalataya. Si Noe ay tinatawag ng Dios na gumawa ng isang laking barko sa kabila ng walang pag-ulan, si David ay tinawag ng Dios matapos ang taong pagaalaga ng mga tupa. Si Moses naman ay tinatawag ng Dios matapos ang mga taong pamamalagi sa disyerto ng Mideanita at si Abraham ay tinatawag sa kabila ng kanyang malaon edad kasama ng kanyang asawa si Sarah na walang anak at hindi magkaanak. Ang paghahanda kay Abraham ay ipinakilala sa pamamagitan ng talaan salit-saling lahi. Bagama’t marami ang hindi interesado sa mga ganitong bahagi ng pababasahin mula sa Banal na Kasulatan, katulad ni Kristo ang talaan ng mahalagang paalala sa atin na hawak ng Dios ang kasaysayan at walang bagay na mangyayari sa hindi magdaraan sa kanyang panukala. Ang talaan ni Abraham ay sang-ayon sa talaan din ni Noe. Sampung generasyon mula kay Adam tungo kay Noe gayundin sampu mula kay Noe tungo kay Abraham. Hudya’t sa mga mambabasa ng lumang tipan na sapagkat naging mahalaga ang naging lugar ni Noe sa kasaysayan, ang lugar din ni Abraham ay magkasing-halaga. Katulad natin mga nanampalataya, ang daan ng hinahanda ng Dios upang tayo ay tawagin sa pananampalataya ay karaniwang nangyayari lingid sa atin kaalaman at kasalukuyang kasaranan. Gumagawa ang Dios sa bawa’t kagananap sa ating mga buhay.

Audio Sermon link: Ang Paghahanda sa Manlalakbay

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment