Search

Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Si Kristo ang Katapusan ng Kautusan

 

Rev. Lance Filio • December 6, 2015

Sino ang tagapamagitan ng luma at bagong tipan?

Imus 120615 cover image

Ayon sa kasaysayan ng pagkakaloob ng mga kautusan sa bayang Israel mula ng Dios duon sa bundok ng Sinai, ang mga tao ay binalot ng takot sa pagkarinig ang mga hinihinging pagsunod mula sa kanila patungkol sa mga kautusang binanggit ng Dios. Dahil dito, Sila ay nagsilayuan sa Dios at hindi piniling magkipisan kay Yahweh  ng diretsuhan bagkus hiningi kay Moses na maging tagapamagitan para sa kanila:

At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa’t huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. ~ Exodo 20:18-19

Bilang tagapamagitan, si Moses ang nagsilbing tulay sa pagitan ng Dios at ng kanyang bayan. Siya ang naging daluyan ng relasyon ng partido. Sa ganang Dios, siya ang dakilang pastor na tagapagpaliwanag ng kanyang mga salita sa bayan at sa ganang bayan, siya ang dakilang patnugot na tagapagtanggol ng kanilang kahinaan laban sa Dios. Ang dalawang gawaing ito ay kapansin-kapansin mula sa mga talatang sumusunod:

At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka’t ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala. At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios. ~ Exodo 20:20-21

Dahil dito, ang kabanalan ng Dios at ang pagiging makasalanan ng tao ay nagbigyaang-diin. Ang takbo ng kasaysayan ng pagliligtas mula sa Banal na Kasulatan na tumatawid mula sa luma hanggang sa bagong tipan ay nagtuturo sa atin na ang kautusan ay mabuti ngunit at tao na dapat sunod dito ay hindi. Ito ang binibigyang-diin ng WSC Question # 82:

Q: Is any man able perfectly to keep the commandments of God? 
A: No mere man, since the fall, is able, in this life, perfectly to keep the commandments of God; but doth daily break them, in thought, word, and deed.

Walang tao ay nagkatupad sa hinihingi ng kautusan, hindi dahil mayroon masama sa kautusan, kundi ang kasalanan ay nakaroon sa laman. Maging bayang Israel ay hindi nakapanatili sa biyaya ng sariling pagka-bayan, na dahil sa kanilang pagsamba sa dios-diosan, sila ay nilupol ng Dios at dinala muli sa pagkaalipin ng ibang bayan. Ang hatol kautusan ay tiyak:

Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. ~ Roma 3:20

Walang matuwid at lahat ay nagkasala. Gayundin naman, ang kahingian ng katuwiran ay hindi nagbabago:

Sapagka’t ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat. ~ Santiago 2:10

Ang pamantayan ng kabanalan ay isang personal at perpektong pagsunod sa lahat ng kautusan.

Paano naging katupusan ng kautusan si Kristo ng bagong tipan?

Bagama’t ang takot ng dala ng kautusan naipakita sa lumang tipan ay hindi nabago ng dumating ang bagon tipan, gayundin ang matigas na pamantayan ng katuwiran ay hindi pinalambot ng pagpasok ng bagong kasunduan, ang pagdating ng Anak ng Dios sa kasaysayan ng tao ay nagdala sa ating ng isang mas nakabubuting tagapamagitna. Bagama’t nananatiling pastor at patnugot ng sa pagitan ng Dios at ng kanyang bayan, ang Dios Anak na nagkatawang-tao para sa atin ay isang natatanging tagapamagitan ng Dios at tao:

Ito’y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan. ~ 1 Tim 2:3-6

Bilang dakilang pastor, dinalang muli ni Hesu-Kristo ang buong puwersa ng kahangian ng kautusan ng Dios para sa kanyang bayan. Hindi niya ito pinagaan kundi ipaliwanag ng buong diin ang katuwiran na hinihingi ng Dios para sa kaligtasan. Mula sa kanyang sermon mula sa bundok (parang Sinai) ng buhay ng isang pinagpala ng Dios, pinaalala ni Hesus ang katuwiran mula sa kautusan:

Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya’t ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa’t ang sinomang gumanap at ituro, ito’y tatawaging dakila sa kaharian ng langit. Sapagka’t sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. ~ Mateo 5:17-20

Bagama’t may dalang takot ang bagong tagapamagitan mas nakahihigit siya sa lumang tagapamagitan (Moses) sapagkat maliban sa takot ay may dalang kapapayaan ang Anak ng Dios para sa sinomang mananampalataya sa kanya. Sapagkat ang dakilang pastor at dakilang patnugot din. Ang bagay na hindi magagawa ni Moses ay tanging bagay na isinigawa ni Hesus. May kapahingahan mula sa takot dala ng kasalanan laban sa kautusan na ibinigay mismo ni Kristo bilang tagapamagitan:

Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan. ~ Mateo 11:28-30

Paano ito naibigay ni Kristo sa atin bilang tagapamagitan? Ang Anak ng Dios, palibhasa’y tunay na Dios at tunay na tao, siya mismo ang tumupad para kautusan at ang lahat ng katuwiran sa atin:

Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan. ~ Roma 8:3

Dahil dito, sa halip na takot ay kapapayaan ng sumaatin sapagkat hindi tayo lumalapit sa Dios katulad ng bayang Israel na ang tagapamagitan ay Moses lamang, bagkus ang Anak ng Dios na nagkawalang-tao, ang tumupad sa lahat ng mga ito bilang tao, ang siyang nagkaloob ng kanyang katuwiran upang pagbayaran ang kasalanan ng kanyang bayan. Kaya nga, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.” (Roma 8:1)

Gayundin naman, dahil ang ating tagapamagitan ay taong totoo at Dios ding totoo, mayroon tayong dakilang patnugot na nakaabot sa Dios Ama at nagkauunawang tunay ng ating kalalagayan:

Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid. ~ 1 Juan 2:1

 

Yaman ngang tayo’y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. ~ Hebreo 4:14-16

Kaya nga, wala na tayo sa ilalim ng kautusan, bagkus pinalaya na tayo mula dito. Ang Anak ng Dios, si Hesu-Kristo na ating manunubos, ang kinauwian ng kautusan sa simomang sasampalataya (Roma 10:4)

Bakit mahalaga na kilalanin natin na si Kristo nga lamang ang katupusan ng kautusan ngayong kapaskuhan?

Mahalaga na kilalanin natin si Kristo na katapusan ng kautusan ngayong kapaskuhan sapagkat siya, ang Anak ng Dios na nagkatawang-tao, palibhasa’y tunay na tao at Dios ding totoo, ang natatanging Tagapamagitan ng bagon tipan. Bilang tagapamagitan ng Dios at ng kanyang bayan, Siya ang dakilang Pastor nagbigay ng pamantayan ng katuwiran mula sa kautusan at bilang patnugot ay nagdala naman ng lahat ng hatol nito sa pamamagitan ng pagaalala ng dalisay na pagsunod sa lahat ng hinihingi nito. Si Hesu Kristo ang ating Panginoon ay nananatiling Tagapamagitan natin ngayon at magkapakailanman. Siya ang dakilang pastor at dakilang patnugot na dakilang Tagapagligtas at Manunubos. Maligayang Pasko po sa ating lahat!

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment

Verified by MonsterInsights