Rev. Lance Filio• March 20, 2016
Ang Kamatayan sa Krus
Ano ba ang kahalagahan ng dugo? Bakit mahalaga na dumanak ng dugo upang mapagbayaran ang kasalanan?
Sa paglipat ng lumang tipan tungo sa bagong tipan, isang malahagang bagay ang ipinakilala sa atin ng Banal na Kasulatan, ang dugo ng hayop ang hindi sapat upang mapagbayaran ang kasalanan ng bayan. Ang korderong handog ng luma ay nasa larawan lamang at nagaabang ng katuparan sa tunay haing handog, ang katawan ni Kristo ang kordero ng Dios.
Ang sumpa ay para sa iyo at para akin ay dinala ni Kristo hindi lamang upang maging ating kapalit kundi siya mismo ay maging anyo ng kasalanan para sa Dios. Ang mga huling sandali ng eksena sa krus ng kalbaryo, ang sigaw ni Hesus ng Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan na mula sa Awit 22 ay ang katunayan ng mga sandali na ang Banal na Dios Ama ay tumalikod anyo ng kasalanan upang ang lahat ng parusa, galit at sumpa ay mapasa kanya at hindi mapasaatin. Ang Dios Anak na walang naging kasalanan ay nating kasalanan para sa iyo at para sa kin. Ito ang mensahe ng ebangehelyo. Ito ang sentro ng gawa ng Dios para sa ating kaligtasan.
Audio Sermon Link: Ang Kamatayan ni Kristo