Search

Sermon

God's Word Faithfully Preached from the Pulpit

Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus

Rev. Lance Filio• March 27, 2016

Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus10169191_10207020093154537_5939246079569693212_n

Ang paghihirap at kamatayan ni Kristo gayundin ang muling pagkabuhay ni Kristo, ay katotohanan sa atin na tayo ay matatalikod sa mga kasalanan at magtatagumpay dito at gayundin naman, ang pagalalay ng mga gawa ng kabanalan bilang pasasalamat sa Dios na ating manunubos. Ito ay hindi lamang dito sa lupa gayundin sa piling ng Dios a buhay na walang hanggan. Narito ang paalala sa atin ng Katekismong Heidelberg:

T#43. Ano pang pakinabang ang natatanggap natin mula sa pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo sa krus?

Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ang ating lumang pagkatao ay napako sa krus, namatay at nailibing ng kasama Niya. Upang ang masasamang pita ng laman ay hindi na maghari sa atin, Kundi ma-iaalay na natin ang ating mga sarili sa Kanya bilang isang handog ng pasasalamat.

T#45. Paano ba tayo makikinabang sa muling pagkabuhay ni Cristo?

Una, sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay ay nagapi niya ang kamatayan, ng sa gayon ay magawa niya tayong makabahagi sa katuwiran na kanyang tinamo para sa atin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan.

Pangalawa, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayo rin ay ibinangon sa isang bagong buhay.

Pangatlo, ang muling pagkabuhay ni Cristo ay isang tiyak na pangako sa atin ng ating maluwalhating muling pagkabuhay.

Ang puso ng mga mananampalataya ay magbubunyi sa Dios na tumupad sa kanyang pangako. Tayo ay magdiriwang sa kapangyarihan ng Dios na gumawa ng lahat ng mga bagay para sa kaligtasan natin na siyang kanyang bayan. Tunay nga na nabangong muli ang Panginoon!

Nguni’t talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko ang Dios sa aking laman: Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko. (Job 19:25-27)

Audio Sermon linkAng Pagkabuhay na muli ni Hesus

+ posts
Share with others:
Facebook
Twitter
Email
Print

Leave a Comment